Ika-20 ng Agosto, 2009

Sa iyo,

Malapit na.

Malapit ko nang malimutan ang mga sandaling muntik akong malunod;

Malapit na uling marating ang rurok ng paglimot;

Malapit na, sabi ng utak ko.

Kailangan ko lang palang lunurin ang sarili ko sa mga masasayang alaala, katumbas ng mga ipinakita mo, o ipinadama mo.

Mga kantang Aegis, at pambabalahura ng iba.  Siguro nga, ‘yun lang ang kailangan ko.

Oo, malapit na. Alam ko, panandalian lang naman ito, at walang mangyayari.  Hanggang dito na lang talaga siguro, kahit sa isang sulok ng utak ko, hindi bumibitaw sa ilusyon na baka pwede pa. Na baka naman kasi meron nga.

May pag-asa pa.

Konti na lang.

Yayakapin ko na ulit ang bagong araw sa buhay ko; at mapatunayang kaya kong bumalik sa dati; ‘yung ako na walang inaasahang pagmamahal sa iba; ‘yung ako na nabubuhay sa paniniwalang sa huli, nakatakda talaga akong mag-isa.

Malapit ko na uling makumbinsi ang sarili ko na wala akong kailangang itanong–kung may darating pa.

Gusto na kitang kalimutan…ikaw at lahat ng nararamdaman ko.  Turuan mo akong huwag tuluyang mahulog sa iyo. turuan mo akong maging matigas, sa kabila ng ipinapakita mong pag-aalala;  turuan mo akong huwag basta-bastang maniwala sa mga sinasabi mo.

Ayoko nang maniwala kasi.  Kaya tulungan mo akong huwag nang umasa dahil sa huli, wala naman talagang dapat asahan.

Sana pinapaasa mo lang ako.

Sana pinapasakay mo lang ako sa mga panandaliang gusto mo.

Sana wala lang ang lahat ng ito  sa iyo.

Para mas madali ang kalimutan ka.

Kasi malapit na eh. Konti na lang.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s